Thursday, April 28, 2011

Blahness Chuvaness

"hay chenelyn, chuvanela ang uchusero nya ha! Aha! maresbakan nga chaka sya!"

"antok na me cge gtg tc u!"

-mga salitang kanto at gay lingo, mga pinaikling salita (lalo na sa mga text…) uso ito ngayon. Madalas marinig, madalas masambit. At aking aaminin minsan mahilig din akong magimbento ng kung ano-anong kaartehang salita (cuteness meter, in cherness, chuvalooness etc.)

Madalas rin nating ginagamit ngunit minsan di natin alam kung saan ba ito nagmula. Ito ay ilan lamang sa nga aking nadiskubre sana ay may mapulot kayong aral. CHING!

Ang mahiwagang "PED XING" Street

Noong ako’y nasa kolehiyo araw-araw kong nadadaan and kalye ng "PED XING" sa may Espana. Ngunit ako’y nagulat sapagkat pati sa may Baywalk nakita ko pa rin ito. Ano nga ba ang hiwagang bumabalot dito.

Sa unang tingin aakalain mo na ito ay isang pangalan ng isang Chinese hero or something (ang konyo). Ngunit sa aking pagbabasa ng libro (ang libro ni BOB ONG) nalaman ko na sya pala ay hindi tao!… What! sa tinagal-tagal ko sa MAynila ngayon ko lang natuklasan na ito pala ay pinaikling "PEDESTRIAN CROSSING".. hayy na sabihan pa tuloy akong tanga!(anyway minsan talaga hindi ko napapansin ang mga bagay-bagay) Sino kaya nagimbento nito?

RESBAKAN NA!

Syempre alam naman ng lahat na ibig sabhin nito ay "gumanti". Minsan napagdebatehan pa namin kung saan ba nagmula ang salitang ito. SAbi ng aking kaibigan ito daw ay mula sa salitang "Backers" na binaliktad lamang ,eh ayaw naman maniwala ng isa kaya eto niresearch ko na.

Sa aking pananaliksik (hanep malalim to!) ito nga ay binaligtad na salitang "back rest" na sa salitang Ingles ang ibig sabihin ay "ally or comrade".

PALAISIPAN

Ako tuloy ay napaisip

Ang salitang DYOWA ba ay pinaikling "DYOk lang, WAla lang"?

at ang DYOKLA ba ay DYOsang lalaki o DYOK na Lalaki?

-Ang blog na ito ay aking ginawa noong Aug. 03, 2006

No comments:

Post a Comment